Saturday, August 4, 2012

Tagalog Dapat!

Hindi ako karaniwang nagsusulat ng blog sa Tagalog. Hindi ko din maipagmamalaki na bihasa ako sa wikang ito kahit na isa akong Pilipino. Pero dahil may kaibigan (na naging kaanak-anakan din) na itatago nalang natin sa pangalang, Bea de Castro, ang pagpapaskil na ito ay dapat na nakapahayag sa wikang Tagalog. *lunok-malalim* (sa Ingles, *gulps*) Salamat sa iyo, Google translate! Mahal na mahal kita.

Heto na...

Tulad nga ng sabi ko, hinding-hindi ko maipagmamalaki na magaling ako sa Tagalog, sapagka't ako'y pinalaki ng mga magulang ko na ang mga paraan ng lahat ng aming pakikipag-usap ay nasa wikang Ingles. Pag kakausapin ang yaya, Ingles. Uutusan ng magulang--Ingles. Librong babasahin--Ingles. Palabas sa telebisyon--Ingles. Lahat nalang--Ingles. Hindi ko naman masasabing sosyal ang pamilya ko, dahil ang nanay ko ay isa lamang hamak na guro, at ang itay ay isang OFW o isang pangkaragatang-trabahador lamang. Pero kung makapag-salita kasi, wagas. Napakawagas na Ingles. Yan ang unang wika na aking natutunan. Ingles. Mukha tuloy kaming pamilya de primera clase. (<--OMg. ano yan.) Tandaan, hindi lahat ng nag-Iingles ay sosyal na nilalang. Naaalala ko tuloy yung biro tungkol sa isang babaeng Inglisyerang "sosyal" sa isang bus:

Ate: Hey manong conductor! Could you make abot naman my luggage?
Kundoktor: Syore, manang. Saan po yung bagahe niyo?
Ate: Ah, there. The sako.

(ops. sume-segway na.)

Ang pangalawang wika naman na natutunan ko ay ang Tagalog noong ako'y limang taong gulang pa lamang. Sa mga hindi nakakaalam, ito yoong panahon noong lumipat ang pamilya ko sa Cavite upang manatili doon ng dalawang taon. Doon ako nagpatuloy ng dalawang taon ng pagaaral.
Naaalala ko pa yoong hirap na wala kang kaibigan dahil Ingles ka nagsasalita at hindi makaintindi ng Tagalog. Dito sa paaralang ito, Tagalog naman ang wikang natural na binibigkas. @__@ Hindi tulad nung dati kong paaralan sa Baguio na dapat lahat ng estudyante at pati na rin ang stap ay magsalita ng Ingles.

Dahil wala akong kaibigan sa Cavite, pinilit ko ang aking sarili na magsalita at makipag-usap sa wikang Tagalog.
Pagbalik ng pamilya ko sa Baguio matapos ang dalawang taon, matatas na ako sa wikang Tagalog, ngunit hirap padin sa Filipino sa klase. Lagapak kung sa lagapak. (Biro mo, hindi ko binasa ang Noli me Tangere at El Filibusterismo. Pero nakapagtapos ako ng high-school! Salamat sa mga nakasalin na libro at palabas na nabibili sa National Book Store.)

Hindi lang Tagalog at Ingles ang nakayanan kong aralin. Kahit ayaw ko sa mga Koryano, maniwala ka sa hindi, natuto akong magbasa, magsulat at makipag-usap ng diretso sa wikang Koryano o Hanggul. Natutunan ko naman ito noong ako'y tumira sa Tsina ng walong buwan. Labing dalawang taong gulang ako noon. Doon, natuto na din akong mag-Intsik ng kaunti. Kaunti lamang dahil ang Intsik ay mahirap na mahirap unawain. Masungit pa ang guro ko ng Instik noon. hanep.

Pagbalik ko sa Pinas, mas nahirapan nanaman akong mag-Tagalog dahil hindi ko na naensayong salitain ito. Ingles, Koryano at Intsik lang kasi nga naman ang salita ng mahigit walong buwan. Ayon. nahirapan talaga ako.

***Kaya kung ang kuwento sa paskil na ito ay may mali sa gramatika, pagpasensyahan niyo na po ang bobo. hehe. Ngunit hindi naman ako maihahalintulad sa isang malansang isda, tulad nga ng binanggit ni Jose Rizal, dahil mahal ko naman ang sarili kong wika--at nais ko talagang matutunan pa ito ng lubos. Hindi lang talaga ako mahusay. Pangako.

Yan din ang dahilan kung bakit ako umalis ng BALL (Bachelor of Arts in Language and Literature)
at laking takot na pasukan ang COMM (Communication Arts). Kaya, Soc Anth nalang ang kurso ko. Masaya naman ako doon.

O siya. Tama na. Laking kahihiyan na ito.

Bye-bye! este. pambihira. leche. PAALAM!


Bea, may utang ka saakin dahil dito! hehehehhe